Make a blog

roseann

1 year ago

galit lahat sila

Nakakapagod pala magmahal sa lalaking alam mo hindi ka mahal. Kahit may mga anak na kami mahal pa rin niya ang ex niya. pinaparamdam niya sa akin na hindi ako mabuting asawa at ina. Ang mga anak ko mahal na mahal ko ginagawa ko ang best ko halos di na ko lumalabas ng bahay para sa kanila na lang ako. Pero masama pa rin ako. Galit sa akin ang mga inlaws ko dahil ang asawa ko lang daw angkumikita ng pera dapat ako din daw ay magtrabaho. Sa mga anak ko pagod na pagod na ko dibale ba kung puro pasarap lang ako sa buhay. Haay ang buhay nga naman. So nagluto ako nagtinda ng sandwiches tapos sila naghahanap na maari ko pang pagkakitaan un pera wala sa akin daretso na sa bulsa ng asawa ko. Konti pagkakamali ko at ng anak ko meeting na kami magpupulong pulong ang miyembro ng pamilya isusumbat at sinisisi ako nila. Ang asawa nganga di man lang ako mapagtanggol kung sabagay wala naman siyang pake kasi di naman niya ko mahal. Gusto ko na rin makapaghiwalay kaso paano mga anak ko hindi ko sila kayang buhayin. Nagtitiis ako para na lang sa mga bata.